Sunday, September 21, 2014

ANG PROBINSYANO 7th Chapter (Driver na hindi lover)



Umalis ako na walang bitbit na bag man lang o papeles man lang sa unang pagkakataon. Sinunog lahat gamit ko ng babaeng yon. Di pa raw sapat yon sa kasalanan ko sa kanya. Para akong si butsoy na plastic bag lang ang dala-dala. Nag report ako doon sa bago kong trabaho sa Philam Village, Quezon City. Kilala na ako ng amo ko kasi pamangkin siya ng dati kong boss na si atty. Figueroa. Delivery driver daw niya ako. Isang Ford Asian Utility Vehicle o AUV ang mamanehoin ko at stay-in ako.

Mas mabuti nang magbago ng trabaho para maibsan naman ang sama ng loob ko. Galit ako sa mga babae. Kahit sila ang may kasalanan ay lalaki pa rin ang sinisisi. Lahat ng mga babae na kasama ko sa dating trabaho ay kumakampi sa babaeng yon. Magkababayan kasi sila. Masama daw ako. Mapag samantala. Lasenggo. Walang puso. Ako na ang pinaka masamang lalaki sa buong mundo!

Laking gulat ko nalang ng malaman ko na puro babae pala maging kasama ko sa bago kong trabaho. Hindi bababa sa beynte na sales lady ang mga kasama ko. Nagtitinda sila ng mga hotdog, hamburger, popcorn, siomai, nacho cheeze, cotton candy at iba't ibang kakanin sa mga mall at duty free shop sa boong Metro Manila. Tatlo lang kaming lalaki, isang matandang hardeniro, isang enhenyero na tigagawa ng mga equipmet sa paninda at ako. Buhay nga naman.

Lahat ng mga babae doon ay masasaya at pala-kaibigan. Halos lahat magaganda! Para silang mga bata na palaging nagbibiruan. Nawala ang galit ko sa mga babae. Mababait silang lahat sa akin. Para nila akong bunso na alagang alaga sa pagkain. Anģ bilis kong nalimutan mga problema ko sa dati kong trabaho. Masaya na ulit ako!

Ako ang naghahatid sa lahat ng mga sales lady na pumapasok sa umaga. Ako rin nag hahatid at kumukuha ng mga supplies. Mas masaya na ako sa bagong trabaho ko dahil wala nang mga pulis ang tumutugis sa akin. Walang baril na itinutok sa akin at hindi na ako kinukulong sa kahit saang police station. Nag ningning ulit ang paligid ko. Sobrang saya ng buhay ko! Masaya na ulit si Tom Cruise!

Part 2

Dalawang sales lady ang naging malapit sa akin, si Chat at si Rose. Si Chat, beynte singko anos, tubong Leyte, kayumanggi, matalino at sobrang bait. Walang lalaki ang hindi pwedeng ma-in love sa kanya pag nakilala siya ng lubos. Si Rose naman ay beynte tres, tubong Bohol, maputi, bata ang isip at palabiro. Mala Angelina Jolia ang mga labi ni Rose at ubod ng pula. Ang sarap kayang halikan! Naisip ko. Silang dalawa ang best friend ko. Bunso awag nila sa akin dahil desi nwebe pa lang ako.

Silang dalawa ang palaging front seat ng sasakyan paghinahatid ko. Inggit ang ibang mga sales lady. Iba na talaga ang malakas sa driver. Ewan ko ba, lahat yata ng dalagang Pilipina na mahirap ay gustong sumakay sa front seat. Sabay kami kumakain sa umaga at sabay din nag di-day off ni Chat at Rose. Minsan di ko maiwasang mantsansing sa dalawa. Balewala sa kanila yon. Pero hanggang doon lang ako. Napaso na ako ng napakatindi minsan, sapat na ang may kaibigang magaganda.

Minsan nilabhan ni Chat mga damit ko. "Huwag mo na gawin ulit yan" seryoso kung sabi. Ngumiti lang siya. Nilabhan ulit nya mga damit ko. Di ko na siya kinibo. Umiyak siya, bakit daw? Ah basta, galit ako. Hindi ko sinabi na ang dati kong kaibigan na naglaslas ng pulso ay naglaba ng damit ko kaya naging malapit ako. Wala pang dalawang linggo ay nalaman kong syota na si Chat ng enhenyero namin. Kinausap ko sya. Matagal na daw nan ligaw ang enhenyero sa kanya pero ako daw ang gusto nya. Sinagot nya lang nang di ko na siya kinibo. Gusto ko rin si Chat pero di ko alam na gusto nya pala ako. Sayang!

Lumakas pa ang negosyo ng boss ko kaya nagdagdag ng sasakyan at nagdagdag pa ng bagong driver. Beynte singko anyos, binata at maporma ang bagong driver. Medyo gwapo din. Pero mas gwapo daw ako, sabi ni Rose. Ehem! Hindi naman ako kumuntra. Si Rose na lang ang best friend ko, iba na kasabay ni Chat kumain. Wala pang isang buwan naging syota ni Rose ang bagong Driver. Na naman! Ano ba ito! "Mabagal ka kasi! At malamig pa sa yelo!" Ika ni lola Atang na kusinera namin. Gusto ko rin si Rose. Ano ba naman to, mukhang naagawan ng harap-harapan si Brad Pitt!

Part 3

Kaya nag focus nalang ako sa trabaho. Umiiwas na sa akin sina Chat at Rose. Pero nag sorry sila. Silang dalawa ang unang lumabag sa munting kasunduan namin na "Wala munang magsyosyota". Silang pa namang dalawa ang nag-propose ng kasunduan kasi akala nila na liligawan ko ang isa sa kanilang mga sales lady balang araw. Lumabas din ang tutuo. Gusto ko silang dalawa at may gusto rin sila sa akin. Sa pelikula o tv nalang siguro nangyayayi na may totoong babae at lalaki na mag best friend lang. Isa palagi ang in-love sa mga best friend na babae at lalaki. Yan ang napag-alaman ko.

Kahit sino-sino nalang sumakay sa front seat ng sasakyan ko. Palagi rin kaming out of town ng boss ko kasama ang ibang sales lady puntang Bagiuo, Tagaytay, Angeles at Batangas. Ang sarap mag libot at magliwaliw! Wala akong naging syota. Pero marami ang parang syota. Mas mabuti na yon, walang magseselos at walang pagseselosan. Shopping lang ako ng shoping sa konti kong sahod. Kahit sino ka date na sales lady. Isa akong "Palakerong walay uyab" ika nga sa bisaya.

Minsan umuwi ako ng Cebu sa ate ko. Pumunta rin ako ng Bohol sa uncle ko dahil fiesta doon. Pagbalik ko ay may bago nang driver na dinagdag boss ko. Huwag daw ako umalis dahil bibili pa siya ng bagong sasakyan. Pero wala na akong menamaneho, binigay na sa baguhan. Nag tambay ako doon ng may dalawang linggo pero may sweldo. Nahiya na rin ako sa ikatlong linggo kaya umalis na ako.

Pumunta ako sa isa kong kaibigan na tubong Cotabato. Rey Bajamonde pangalan niya at kaibigan ko rin ang kanyang misis na dating secretary ng dati kong boss na si atty. Figueroa. Nakatira siya sa may Alabang. Doon ako nakitira habang naghahanap ng trabaho. Wala na namang trabaho ang bida. Ayaw yata ng panahon na sumaya ako ng lubusan. Palaging may pagsubok, kahirapan at kawalan ng pag-asa. Kailan ko ba talaga matikman ang tagumpay? Beynte anyos na ako. Binata. Higit sa lahat walang trabaho!

Pero kayang-kaya kong bumangon. Isa na akong Driver-Mechanic!

-END OF CHAPTER 7

No comments:

Post a Comment