Sunday, September 21, 2014

ANG ALAMAT NG TATLONG PULO NG DIATAGON AT ST. CHRISTINE
Noong unang panahon bago pa man dumating ang mga dayuhang intsik at mga kastila sa Pilipinas ay may tatlong napakagandang mga diwata ang naninirahan sa may dalampasigan ng Diatagon at St. Christine sa may bayan ng Lianga Surigao del sur. Ang mga pangalan ng mga diawata ay si Olapia, Henrietta at Felisa. Silang tatlo ay galit sa sinumang mga taong pumapasok sa karagatan at kagubatan ng Lianga, lalong-lalo na sa may malapit sa Diatagon at St. Christine.
Sa loob ng ilang daang taon ay halos hindi mabilang ang mga taong binigyan ng parusa ng tatlong diwata. Maraming mga mangingisda at mga mangangaso ang namatay, nagkasakit at ang iba ay di na nakabalik dahil sa pag pasok o paglapit sa mga karagatan at kagubatan ng Diatagon at St. Christine. Sadyang malupit ang tatlong diwata dahil ayaw nilang sirain ng sinuman ang kalikasan sa kanilang teritoryo.
Dahil sa kakaunti lang ang taong nakakapasok sa nasabing lugar, ang mga kahoy sa kagubatan nito ay lalong lumago at naglalakihan. Ang karagatan naman nito ay napakaraming isda at iba pang mga lamang-dagat. Sadyang ubod ng yaman ang nasabing lugar. Takot ang mga tao na lumapit dito.
Minsan may isang bangka ang napadpad doon dahil sa malakas na bagyo. Mga mababait na mga tao ang sakay nito at mapagmahal sa kalikasan. Walang nagawa ang mga sakay ng nasabing bangka kundi ang dumaong sa dalampasigan ng Diatagon at St.Christine at iligtas ang kanilang buhay sa kapahamakan ng malakas na hangin at alon. Malaki ang sirang naidulot ng malalakas na alon sa kanilang bangka. Napilitan sila na magpalipas doon ng ilang araw upang ayusin ang bangka. Pumutol sila ng mga kahoy upang ipalitmsa mga nasirang parte ng kanilang bangka. Nangisda din sila doon upang kainin at baonin sa pagpatuloy ng kanila malayong biyahe.
Hindi nagustuhan ng tatlong diwata ang pagputol ng kahoy ng mga estranghero at pangingisda nitonsa kanilang teritoryo. Natakot ang mga diwata na sila na baka hindi na aalis doon. Nagpasya silang parusahan ang mga estranghero. Nagkasakit at namatay lahat ang mga mababait na estranghero na ang misyon sana ay ipalaganap ang mabuting balita galing kay bathala.
Part 2
Nagalit si Bathala sa tatlong diwata. Sumusobra na raw ang lupit nila sa mga tao kahit sa mga mababait at walang kasalanan. Kaya nag pasya si Bathala na parusahan ang tatlong diwata upang matutong mahalin ang mga mababait na tao. Sila ay magiging pangkarariniwang tao sa araw ng Lunes at Martes. Magiging Ibon naman sila sa araw ang Meyerkules at Huwebes. Magiging isda sa araw ang Byernes at Sabado at magiging diwata lamang sila sa araw ng Linggo. Tinanggal din ang kanilang kapangyarihan na makapanakit ng tao. Matatangal lang ang sinabing kaparusahan at maibalik sa kanila ang dating kapangyarihan kung sila ay matutotong umibig at magmahal ng mga tao.
Walang nagawa ang tatlong mga diwata kundi tanggapin ang parusa ni Bathala. Naging pangkaraniwang tao sina Henrietta, Felisa at Paulina sa katauhan na tatlong nag gagandahang mga dalaga. "Ang gaganda natin!" Sabi ni Henroetta. Tumira silang tatlo sa may dalampasigan. Ngunit pag dating ng myerkules ay naging ibon sila. "Ang sarap palang lumipad!" Sabi ni Felisa. Masaya silang palipad-lipad boung hapon. Dumating ang byernes at naging isda naman sila. "Ang sarap palang lumangoy!" Sabi naman ni Paulina.
Naging masaya naman sina Olapia, Henrietta at Felisa sa kanilang bagong buhay. Laro, lipad at langoy lang ang kanilang ginawa. Ilang dekada rin ang lumipas na walang sinumang taong pumasok mula ng namatay lahat ang mga mababait na estrangheror. Hanggang sa dumating ang panahon na nagsawa na ang tatlong mga diwata at naramdaman ang matinding lungkot. Nalaman nila ang hindi pala madali magiging tao. Gusto sana nilang dumayo sa ibang lugar kung saan merong mga taong nakatira subalit pinagbawalan sila ni Bathala. Kailangan nilang maghintay na may pumasok na tao sa kanilang teritoryo. Sadyang takot na takot ang mga tao sa lugar na iyon na umabot din ng ilang daang taon bago may nangahas na pasukin ulit ang lugar na iyon.
Di nag laon, may tatlong mapangahas na binata ang pumasok sa teritoryo ng tatlong diwata. Makikisig at mapangahas sina is Jose, Ernesto at Generoso. Galing sila sa kalapit bayan at nagpasyang mangisda doon mismo sa pinaka kinatakutang lugar ng mga tao. Matatapang at walang takot na nagisda doon ang tatlong binata. Binalaan sila ng mga nakakatanda sa kanilang tribu subalit hindi ito pinakikinggan ng tatlong binata. Unang araw ng kanilang pangingisda ay halos tumaob ang kanilang bangka sa daming huli na isda.
Walang nagawa ang tatlong diwata kundi pagmasdan lamang ang tatlong pangahas na humuli ng napakaraming isda. Baka sila na ang magiging susi upang mapawalang bisa ang parusa ni Bathala.

No comments:

Post a Comment