Sunday, September 21, 2014

ANG PROBINSYANO 2nd Chapter (Batang Bilyaran)

Kumikinang ang medalyang 'ginto' na nakuha ko bilang Gold Medalist ng bokasyong 1 year - Diesel Mechanic Guzman Institute of Technology. Mahigit tatlong daang estudyante ang tinalo ko sa pagalingan sa pagsubok bilang isang mekaneko. Subalit hindi ako isa sa nabigyan ng trabaho ng Mercedez Benz o ng General Elecric. Lahat ng Top 20 ng batch ko ay nabigyan ng rekomendasyon upang mag trabaho doon ng pamunoan ng eskwelahan maliban sa akin. Minor de edad lang ako.

Hindi na ako sumipot ng eskwelahan at di rin nagpakita sa titser ko na panay ang parinig na "nakaka-uhaw" daw ang pagkapanalo ko. Ibig sabihin, dapat magpainom na man ako ng beer sa faculty and staff ng departamento namin bago ako i-rekomenda sa trabaho. Hindi ko lang masabi sa titser ko na wala akong pera. Hiyang-hiya na ako sa uncle ko bilang pabigat sa kanya at ayaw kong manghingi pa nang pera para pang-inom. Sobra na ang kabutihan na napakain at napag-aral niya ako ng isang taon.

Binigyan ako ng Uncle ko ng limang daan upang mag celebrate sa aking "tagumpay". Binigyan din niya ako ng pera upang pambayad sa mga ritratong kung saan katabi namin sina Senator Salonga at Andrew E. Hindi ko ginasta ang pera. Sa halip ay naglibot ako ng tatlong araw upang makahanap ng trabaho. Walang pumatol sa akin. Isa lang akong minor de edad at walang karanasan. Kaya't pinatulan ko na rin ang nag-iisang trabahong handang tumanggap sa akin ng walang tsetse bulitsi. Pumasok ako bilang isang Billiard Boy sa Claro M. Recto ng Quiapo.

Nagpaalam ako sa uncle ko at wala siyang nagawa na pigilan ako. Natapos ko na ang kursong pina-aral nya sa akin "with lying colors!" ika nga sa englis. Panahon na upang tumayo ako sa sarili kong paa. Labag man sa kalooban, pumayag din siya sa kundisyon na lalapit ako sa kanya pag may problema ako.

Beterano sa hirap ang uncle ko. Alam niya kung kagaano kahirap ang nag iisa sa Maynila at walang masandalan. Gutom at hirap din ang kwento ng buhay niya sa Maynila bago nakatapos bilang isang Customs broker at nag aral din siya ng Abugasya. Siya ang unang idolo ko. Parang tunay kong tatay. May pangarap at mapagmahal sa pamilya. Siya ang unang tao na nag sabi sa akin ng harap-harapan at walang alinlangan na matalino ako. Pinaniwalaan ko yon ng boong puso. Alam kong natakot siya na pakawalan ako. Ano na lang ang sasabihin ng nanay ko na nakakatandang kapatid nya pag may nangyari sa akin? Pero nakita din niya sa mura kong edd ang tapang at determinasyon.

Araw ng linggo, buwan ng Abril taong 1991 ng pumasok ako bilang isang 'stay-in' Billiard Boy sa Quiapo. Beynte sintemos ang bayad bawat set o pag ayos ng mga bola sa hugis tatsolok bago umpisahan ang laro. Apat na po't apat (44) na mesa ng bilyaran ang binabantayan ko kasama ang mga dalawa pang billiard boy. Mula alas otso ng umaga hanggang alas dyes ng gabi ang trabaho ko. Bawal umupo, bawal sumandal, bawal mag laro, bawal mag-kwentohan, bawal lumabas pag di break time, bawal ihi ng ihi, bawal sumandal sa mesa ng bilyaran. Lahat bawal, maliban sa pag hinga at pag inom ng tubig.

Unang linggo ko ay trenta pesos lang ang kinita bawat araw dahil mabagal pa akong mag-ayos ng bola. Tamang tama lang sa pagkain. Nangangawit ang mga paa ko at buong katawan dahil sa pagtayo mahigit labin-dalawang oras. Lagnat inabot ko sa pagod. Pero di ako tumigil. Tinulongan naman ako ng mga kasamahan kong sanay na sa trabaho at pinainom ng gamot. Mga tubong bikol sila at mga mababait.
Pangatlong lingo ay bumuti rin pakiramdam ko at bumilis na rin. Natutunan ko ring tumayo sa isang paa at sumandal sa dingding pag di nakatingin ang masungit, pangit at estriktang supervisor. Wala siyang awa sa aming mga Billiard boy. Pangit! Pangit! Pangit!

PART 2

Wala pang dalawang buwan, naging kaibigan ko na rin ang halos lahat ng billiard boys. Nalibot ko na ring bantayan ang iba't ibang bilyaran ng boss ko sa Maynila. Meron sa Taft avrnue La Salle, sa Dapitan St. Likod ng UST, sa may U.E. Recto and doon sa may Sta Cruz. Kasama ako sa mga sikritong lakad namin sa gabi upang mag lagalag at mag inuman kahit saan. Paborito naming puntahan ang CCP Park sa may Roxas Boulevard kung saan nag bibisiklita kami magdamag.

Si Jommel ang palaging taya sa lakad. Si Jommel ay magaling mandaya sa sukli sa bilyaran kaya marami siyang pera. Paborito niyang lokohin at i-over charge sa time ang mga bagong estudyanteng manlalaro sa bilyaran malapit sa UE Recto. Sabay lang kami sa kanya. Walang pakialaman at kanya-kanyang diskarte upang magka pera.

Minsan may bagong cashier na pumasok. Maganda, maputi at mahaba ang kanyang buhok. Kaso, medyo mataba at pandak siya. Janina ang kanyang pangalan at halos lahat nang binatang billiard boy ay nagkagusto sa kanya. Ang mga beteranong si Jommel at si Orly ay sabay na nanligaw sa kanya. Pagalingan silang dalawa. Nag -a-agawan mang libre ng snacks kay Janina. Ang problema, sa akin lumalapit si Janina. Pero minsan humawak ako ng gitara at kumanta ng folk song bago nag sara ang bilyaran. Hangang-hanga sa akin si Janina. Mahilig pala siyang kumanta. Nawalan ng pag-asa si Jommel at Orly. Wala silang laban sa magaling mag gitara at kumanta na si Jun Abines, ang batang probinsyano.

Isang gabi, pinainom ako ng libre ni Jommel at Orly. Nang medyo malasing na ay tinanong nila ako kung nililigawan ko ba si Janina. Kung Oo sagot ko, titigil daw sila ng panunuyo sa dalaga. Sabi ko hindi. Hindi type si Janina. Kaya natuwa ang dalawa. Inoman pa kami ng inuman. Sa sobrang lasing, nagkasundo ang dalawa na daanin sa suntukan upang magkaroon ng eksklusibong karapatan na ligawan si Janina.

Mallit si Orly at mabait. Malaki si Jommel at mayabang. Pinigilan ko sila dahil alam kong walang panalo si Orly. Di sila nag paawat. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw ng : "Let's get ready to rumbleeeeeee!" Ala Michael Buffer. Wala pang trent segundos tanggal dalawang ngipin ni Jommel sa itaas. Tinigil ko ang laban at tinulungang pulutin ang mga ngipin ni Jommel. Huling gabi ko yon na makia si Jommel.

PART 3

Pangatlong buwan ko bilang billiard boy ay lalo akong napalapit sa lahat ng mga kasamahan ko. Bumuo kami ng grupo upang ipag tanggol ang aming karapatan na umupo pag walang kustomer o kung matumal ang laro sa bilyaran. Ako ang naging Pangulo. Meron daw silang nakikitang kakaibang kaalaman at kakahayan sa akin. Di nila alam lumaki ako sa lugar at palaging nakikinig sa mga layunin at adhikain na ipagtanggol ang mga karapatan pang tao at mga manggagawa. Sa madaling salita, NPA suporters. He he. Pero di ko naman sila tinuroan ng paborito kong bisaya na slogan: "Makig-bisog! Di mahadlok! Apan mudagan!"

Naging seryoso ang samahan naming mga billiard boy. Gusto naming bigyan naman kami ng konsoderasyon ng amo namin. Minsan kinumpronta ko ang masungit na supervisor. Sobra na ang kanyang pang-aapi! Nagalit siya. Sino daw ako para sumagot-sagot sa kanya. Sinuspende ako isang linggo. Halos wala akong makain noon. Buti na lang nag-ambag mga kasamahan ko para sa akin. Natakot talaga ako. Buti nalang di ako tinangal ng bigla-bigla. "Ayaw ko na!" Sabi ko sa mga kasamahan ko. Bumalik ako sa trabaho na talunan. Gutom lang pala ang katapat ng tapang ko.

Pero hindi sumuko mga kasamahan ko. Patuloy kaming nagme-meeting ng patago parang mga bagong katipunero na handang ibuhis ang mga buhay alang-alang sa inang bayan. Si Orly ang naging pinaka matapang sa grupo. Hindi sila pumayag sa suhestyon kong itigil at buwagin ang grupo namin. Sa halip na matakot, lalong tumapang mga kasamahan ko. Merong nag sabi na bumitaw kaming lahat ng sabay-sabay. Sabi ko wala akong matirhan pag ganun. Kaya nag kasundo kaming mag welga nalang.

Wala pang isang linggo ay nalaman ng boss namin ang planong mag welga. Merong Hudas sa grupo namin.isang matandang pakawala ng may-ari ng bilyaran. Akala ko sa sine lang mayroong James Bond 007, meron pala sa tutuong buhay. Isang araw, pinatawag ako ng boss ko sa opisina. Isang adik sa syabu na nangangalang Freddie. Binigyan ako ng sobre. Huling sweldo ko raw yon. Tanggapin ko raw at umalis na at huwag nang bumalik o magpakita pa sa mga bilyaran nya.

Natanggal ako sa trabaho! Paano na?

- END OF PART 2.

No comments:

Post a Comment