Simula June 2001, wala pang dalawang taon bilang akawntant ng Yusen - Cebu ay na promote ako ng dalawang beses galing sa pinaka mababang rango sa opisina hanggang naging Assistant - Branch Manedyer ng Cebu Branch. Sadyang di maka paniwala ang mga boss ko sa head office paano ko inayos lahat ng mga malilit na financial back logs at taposin ang mga report ng aming branch sa madaling panahon. Lahat din ng mga financial forecast ko ay tama at bumilib talaga pati mismo ang presidente ng kompanya na si Atty. Tugade.
Pasok ako ng opisina alas syete ng umaga tapos pasok sa law school ng alas kwartro ng hapon. Overtime ng overtime sa weekend. Halos nilalagnat na ako sa pagod pero kayod pa rin ng kayod dahil ako ang pinaka highest Filipino ranked officer. May gusto akong patunayan. Binigyan ako ng service car na Toyota pero di ko yon ginagamit sa pag eskwela o inuwi sa bahay. Isa lang ang pangarap ko, ang matapos ang apat na taon ng kursong abugasya at mag take ng Bar Exams.
Panay pa rin ang sulat ko sa isang magasin ng Trans-National Diversified Group (TDG) ng mga artikulo tungkol sa Yusen-Cebu at nakakatawag pansin talaga ang mga ito sa mga boss ko sa manila. Di nila alam, dati akong Associate Editor ng Student Paper namin ng Southwestern University na 'The Quill' at naging Associate Editor naman naman ng College of Law magazine. May halong biro ang estilo sa aking pagsulat. Ginaya ko ang idolo kong amerikano na si John Grisham na legal novelist. Kaya naman patok lahat ng write ups ko sa magasin.
Minsan, bigla na lang ipinatawag ako sa maynila upang kausapin ng Presidente, hapon na bise presidente at tsip Akawtant ng kompanya. Kinabahan ako. May kasalanan ba akong nagawa? Kumain kami ng tanghalian sa napakangarang restawrant. Halos wala akong gana kumain. Baka binusog muna ako upang kastiguhin o kaya tanggalin. Marami akong naisulat sa sa TDG magazine na artikulo. Baka isa doon ay palpak o hindi nila nagustohan.
Hindi ko halos malolon ang masasarap na pagkain. Mismo ang presidente ng kompanya ang katabi ko at panay pa ang lagay ng masasarap na ulam sa plato. "Kain ka lang ng kain... dahil kakatayin ka mamaya-maya. He he he!" Bulong ng demonyo sa aking tenga. "Ayan ang napala mo sobrang galing mong magsulat!" Dagdag kantyaw ng demonyo. Sising-sisi ako bakit dinamihan ko ang artikulo sa aming inter-company magasin. Matanggal kaya ako sa trabaho?
Part 2
Habang kumakain kami ay panay tanong ng Presidente sa akin tungkol sa financial status ng Cebu branch. Pinag usapan namin ang trend ng sales at net income ng nakaraang taon. Panay din ang tanong kung ano ang ginagawa ng Hapon na Branch Manager at matandang malanding babae na temporary co-branch manager na na assign sa Cebu. Wala daw siyang masyadong tiwala sa babaeng matanda. Gusto daw niyang mag report ako ng diretso sa kanila kung mayroon akong mapapasin na kaduda-dudang mga transaksyon sa Cebu branch. Tumango lang ako.
Pagkatapos ng meeting, pumunta kami sa opisina malapit sa Ninoy Aquino International Airport. Doon sa opisina, naging seryoso na ang tuno ng usapan. Kaya daw ako pinatawag dahil may duda silang nangyayayi sa Cebu branch. May tiwala daw sila sa akin at sana ay matyagan kong masyado ang Cebu branch. Tapos tinanong ako kung magkano daw ba ang sweldo ko. Sabi ko labin-dalawang libo. Nag tinginan silang tatlo. Di sila makapaniwala! Pinalabas ako ng ilang minuto sa opisina upang mag usapmdaw sila ng pribado sandali.
Pagbalik ko sa opisina ay humingi sa akin ng paumanhin ang presidente. Tahimik lang ang hapon at ang aming tsip akawntant. Inamin nilang nakaligtaan nilang tingnan ang sweldo ko sa kabila ng mga promotion. Trabaho lang daw pala ang nadagdag sa akin at hindi ang sweldo. Nagtawanan sila. Tumawa din ako. Binigyan ako ng sobre, makapal. Travel allowance ko daw yon. Halos lumuwa mata ko sa kapal ng sobre! Magkano kaya laman? Tanong konsa sarili. Tinanggap ko at inilagay sa bag. Parang gusto ko na agad tumakbo palabas at bilangin kung magkano ang laman ng sobre.
Pero di pa tapos ang meeting. May gusto pa silang sabihin. Simula daw sa araw na iyon, meron na daw akong allowance na otso mil pesos buwan-buwan. Sekreto daw namin iyon. Manila office ang mag depositomsa account ko tuwing sweldo, para di magduda ang mga taga Cebu branch. Ipag patuloy ko lang daw ang sipag ko at magiging branch manager din ako. Ano daw? Parang ang sarap ulit-uliting pakinggan! At sigurado akong hidi iyon panaginip.
Umuwi ako ng Cebu na naka lutang sa ire. Labin limang libo ang laman ng sobreng binigay sa akin! Tapos may otso mil pa akong dagdag sweldo! Buhay nga naman. Ang sarap ng birong ito! Sabi ko sa sarili. Ang pogi ko! Ang galing ko! Ang yabang ko!
Dumating ako ng Cebu na parang isang secret agent ng CIA! Mismo ang presidente ang nag hire sa akin. Matyagan ko daw ang matandang babae na ubod ng landi at pangit na si Lydia. Para siyang isang KGB na may masamang balak gawin sa Cebu branch. Kailangan kong maging maingat at mapag masid. Feeling ko ay kasing ganda lalaki ako ni Sir Sean Connery, a.k.a. James Bond!
Part 3
Simula ng meeting ko sa presidente at bise presidente sa Manila office ay nag-iba na ang mundo ko. Para bang bida ako sa pelikula na nagising sa katutuhanan. Parang 'The Firm' na movie film ni Tom Cruise o kaya 'The Matrix' ni Keannu Reeves. Nagising ako sa katotohanan na mayroon pala talagang totoong gyera na nangyayari sa buhay at pag magaling ka ay merong re-recruit sa iyo upang maging kakampi sa isang panig. Kung sino man ang papanigan mo ay hindi importante, ang importante ay manalo ang iyong panig upang maging bahagi ka sa ano mang napanalunan ng iyong grupo.
Nalaman ko na si Lydia ay merong hawak na Alas. Kaya pala ang yabang niyang gumawa ng sariling canteen sa Cebu office at ipagamit lahat ng mga company assets sa sarili niyang kapakanan ay dahil malapit siya sa Chairman ng Yusen Philippines na si Mr. J. Delgado. Merong secret mission si Lydia na i-control at maging permanent Branch Manager Cebu bilang eyes and ears ng Chairman. Dati daw siyang secretary ni Mr. Delgado.
Kinausap ako ni Lydia at kumbaga kinumbinsi na kung makikisama lang ako sa kanya ay walang problema ang buhay ko. Magaling daw ako at gusto niya ang work ethics ko. Sinabi niyang walang problema sa kanyang mag liquidate ako ng mga sariling expenses ko at gumamit ng sasakyan sa for school and personal uses basta tulungan ko daw siyang i-neutralize ang control ng Hapones na Branch Manager. Nakikita daw niyang malaki ang tiwala sa akin ng Hapones at ako ang susi upang mq-control ng mga pinoy ang Yusen cebu branch. Ano daw? Mukhang napasubo ako. Gusto pa yata akong i-double agent ni Lydia for her faction. Tumango lang ako.
Doon ko na realize na may secret war pala ang dalawa naming Branch manager. Kaya kinausap ko ng masinsinan ang Hapones na Branch Manager. Nag paliwanag si Sugawa san sa akin na ang mission niya ay pagsilbihan mga international corporate client ng Yusen Air and Sea worldwide kahit tabla o lugi ang pricing namin sa Cebu. Hindi importante ang branch profit sa mga hapon. Ang importante ay hawakan ang lahat malalaking international corporate client dahil kikita naman ang Yusen sa ibang 250 branch offices world wide.
Doon ko naintidihan na may gyera nga talaga between Pinoy at Hapon managers. Gusto ng mga pinoy na kikita ang Yusen Philippines ng malaki at gusto ng mga hapon di bali kunti ang kita basta ang Yusen Worldwide ay may control sa lahat ng pinaka malalaking corporate manufacturers sa buong mundo.
Palaging nag-aaway ang dalawang branch manager sa desisyon. Pero mas nakita ko na mas marunong, may karanasan at very professional si Sugawa san kay sa kay Lydia. Madalas na pumanig ako sa Hapon dahil mas nakikita ko ang logic ng kanyang decison making. Nagalit si Lydia sa akin. 'Makapili' daw ako o traydor sa pinoy. Ano daw? Nag declare ng gyera si Lydia sa akin at pinahirapan ako mga work schedules ko patinsa pag-aaral ko.
Gumawa ako ng secret report sa presidente. Nang hingi ako ng suporta sa pang ha-harass ni Lydia sa akin. Sinabi ng presidente na huwag na huwag akong patalo. Laban daw kung laban at nasa likod niya ako. Basta gawin ko kung ano ang tama. Ah, ganun ba? Sabi ko sa sarili. Eh di Gyera kung gyera! May dugo yata ako ni lapu-lapu. Sukol dong!
Part 4
Patuloy pang ako sa trabaho. Lumaban ako ng patas. Ginawa ko kung ano ang tama para sa Cebu branch. Lalong bumilib ang presidente at ang Hapones na branch manager ng Cebu. Pero hindi si Lydia. Para siyang kontra-bida sa pelikula na gagawin ang lahat manalo lang sa laban. Binigyan ni Lydia ng mga salary increase ang lahat ng department managers at supervisors maliban sa akin. Hindi ako pumalag. Trabaho pa rin ako ng trabaho.
Linipat ako ni lydia sa assignments ng collections at bad accounts. Di pa rin ako pumalag. Kinuha ni Lydia ang service car ko. Di parin ako pumalag. Medyo na dismaya na si Lydia sa tibay. Lalo siyang naging mas matapang at mapangahas. Minsan, pag bobo ang kalaban mo, mas mahirap. Hindi alam ng bobong tao kung saan ang hangganan ng kanyang kabobohan. Tinira na ako ni Lydia below the belt di nag tagal. Wala kasi siyang magawa na matinong paraan. Mas may alam ako sa kanya sa trabaho. Hindi nya ako mahanapan ng butas. Lalong nagalit at pumangit ang matanda.
Hanggang sa nakakita si Lydia ng paraan. Nag schedule siya ng mga managers meeting after office hours. Paraan niya iyon para sirain ang class schedules ko sa abugasya. Oppps! Third year proper na ako noon. At ewan ko ba, parang alam ni Lydia ang mga schedules ng major examinations ko. Sinadya talagang tirahin ako below the belt.
Doon ko na realize na hindi basta basta ang kalaban ko. Hindi narating ni Lydia ang kanyang posisyon ng basta basta. Isa siyang palaban, kapit-tuko at beteranang corporate back stabber galing sa maynila. Ilan na kayang matitinong manager ang binaligtaran niya ng kaldero mula ng maging malapit siya sa mayayamang Delgado family?
Mukhang nag kamali ako ng tantiya kay Lydia. Alam niya ang ianyang ginagawa. Alam niya kong paano lumaban na pailalim, patalikod, palihim at iba pang klasing masamang paraan para lang manalo. Hindi siya pinadala sa cebu kung pipitsugin siya. O baka pipitsugin lang talaga siya at itinapon sa Cebu dahil wala ng gustong makisama sa kanya sa manila office? Sa madaling salita, tinablan ako sa tira ni Lydia.
Bumaba ang grades ko at hindi na nakasali sa dean's list simula ng tirahin ni lydia ang class schedules ko. Consistent sana akong deans lister mula fist year. Napadalas ang absences ko at na compromise study schedules ko. Paano ba ito. Ayaw kong huminto sa pag-aaral. Mataas pa ang pangarap ko. Mukhang dapat akong mamili kung trabaho ba o pag-aaral nag priorities ko. Mukha yatang magtatagumpay si Lydia na sirain ang pag-aaral ko. Pero hindi pa tapos ang laban.
Last Part of the Chapter
Hindi ko akalain na aabot sa personalan ang laban. Sadyang gusgusin pa ako pagdating sa corporate inside wars at back stabbing. Isa pa akong inosente sa paraan ng pakikipag-away ng palihim at patalikod. Sa totong buhay, mas madalas nag wawagi ang mga taong gumagamit ng masama at di patas na paraan. Sa sine lang nananalo madalas ang mga mabubuti. Kung gusto mong manalo, lahat ng rules of engagement ay pweding suwayin. Masakit pero iyon ang totoo.
Nag report ako sa Manila tungkol sa pakikialam ni Lydia sa Law studies ko. Walang matinong sagot ang Manila. Naiintindihan ko yon. Alam kong full dedication to work ang kultura ng Yusen at mismo ng TDG. Kailangan kong mamili : Trabaho o pag-aaral? Nag-isip ako ng matagal. Ano ba ang gusto ko sa buhay? Tanong ko sa sarili ko. Kayang-kaya naman talaga labanan ng parehas si Lydia, pero hindi sa maruming paraan. Bata pa ako at malayo pa ang mararating. Samantalang siya ay matanda na at kapit-tuko sa kumpanya.
Nag desisyon ako. Marami pa ang kumpanya na pwede kong mapapasukan dahil CPA naman ako. Pero ang pagkakataon na makapag-aral ng abugasya at kung su-swertehin ay maging abugado ay hindi palaging nandyan. Third year na ako. Isang taon na lang mahigit at may diploma na ako. Dapat kong tapusin ang pag-aaral habang bata pa, may lakas at may gana pang bumasa ng ga-bundok na libro tungkol sa batas.
Nanghihinayang ako sa posisyon sa kumpanya at sweldo ko. Mga allowance at perks. Quarterly bunos na umaabot sa 200 percent ng buwanan kong sweldo. Sayang lahat ng hirap ko. Pero hindi ako handang makipag patayan kay Lydia. Hindi ko sisirain ang prinsipyo ko at bumaba sa level ng kanyang pagka sakim at power trip sa kumpanya. I won'go down to her level. I won't fight an immoral corporate power grab. I am much better person than that. Oh ha! Englis yon! Tama ba englis ko?
Kinausap ko ang presidente at ang hapon na branch manager. I am resigning within 30 days. Nakiusap sila na i-delay desisyon ko. Alam nila kung gaano ako ka importante sa kumpanya. Pero nakapag pasya na ako. Abot tenga ang ngiti ni Lydia ng mabasa ang resignation letter ko. Panalo siya! Alam kong gusto niyang lumundag ng mga oras na iyon. Naka hinga siya ng maluwag. Wala na mag babantay sa mga kalukuhan niya.
Talo ako. Talo ang bida. I lost the battle.... but not the war. Dahil 2 years later nag sampa ako ng "constructive dismissal" sa Labor Arbitter laban sa Yusen - Cebu at kay Lydia at siningil ko ng back wages, bunoses at benifits ang Yusen. Gumawa ako ng pleading kung saan isinaysay ko lahat ng pangha-harrass ni Lydia sa akin upang akoy mag resign. I-kwenento ko sa pleading ko ang mga katiwalian niya at paggamit ng company resources para sa pansariling kapakanan. Isinali ko na rin ang anti-labor practices ng kompanya at ginawang witnesses nag mga tinanggal ni Lydia f8rnthe last 2 years.
Nag panic ang matanda! Pero huli na. Pinadalhan ko ng kopya ng pleading ang presidente at chairman ng Yusen Philippines sa Manila upang malaman nila ang boong kwento ng pag resign ko. Nakipag settle si Atty. Tugade sa akin. Huwag ko na raw ituloy ang kaso at aaksyunan nila ang lahat ng mga kalokohan ni Lydia. Binayaran nila ako ng P60,000.00 at naalis din si Lydia sa Yusen Cebu in less than a year ng magsampa ako ng Labor case. Panalo ako!
End of Chapter 14
No comments:
Post a Comment