Sunday, September 21, 2014

ANG PROBINSYANO 13th Chapter (Aplikante)


Part 1
Pumasa ako ng CPA Board exam sa unang pagsubok. Parang di ako makapaniwala. Totoo ba ito? Ilan bang taksi drayber ang nagiging CPA? Ilan bang truck helper ang nagiging CPA? Syempre di ko alam ang sagot. Pero ang alam ko ang CPA Board exam ang isa sa pinakamahirap ipasa na propesyon sa Pilipinas. Nasa 15 hanggang 20 porsyento lang ang pumapasa sa Board exam.
Ewan ko ba, sabi nila matatalino daw ang mga CPA, pero sa pagkakaalam ko, mas matatalino ang mga negosyante na amo ng mga CPA. 'Gun for hires' lang ang mga CPA dito sa Pilipinas. Utusan lang. Pag sinabi ng amo nila isang milyon lang ang ideklarang kita ng negosyo, hindi makaka tanggi ang mga CPA kahit alam nilang sampung milyon ang kita ng kumpanya. Kaya nga walang asenso Pilipinas eh.
Pero heto ako, agrisibong nag aaply sa Metro Cebu at mayabang na isinali ang phpto copy ng lisensya ko nga mga application letter. Apply dito apply doon. Exam dito exam doon. Interview dito, interview doon. Pero may isang kompanya akong ina-apply-an ng natatangi. Ang pangalan ng kompanya ay Roedel Printing. Kakaiba ang exam nila.
Wala pang 50 ang mga problems at mga tanong sa kanilang qualifying exam. May mga beynte kaming nag exam ng araw na yon. Ang alam ko bagsak ako sa exam. Ubod kasi ng hirap. Mas mahirap pa sa CPA Board exam kung totousin. Sa 50 na katanungan, nasa 35 lang ang sagot na sigurado ako. 10 ang di ko sigurado at 5 ang di ko nasagot. Lahat kami pinagpawisan sa exam na isa't kalahating oras ang time limit. Nauna akong natapos sa exam, mga 45 minutos. Kahit anong basa ko ay alam kong ginawa ko na ang lahat. Di ko masagot amg lima at di ko sigurado ang labin lima. Kaya naghintay na lang ako sa labas.
Tinapos ng karamihan ang isa't kalahating oras. Paglabas nila ay halos lahat namumutla sa hirap. Relax lang ako. Eh ano ngayon kung bagsak ako? O.A. Ang exam nila! Sabi ko sa sarili. Pinaghintay kami ng 30 mi uto bago pinaalis ang lahat ng aplikante maliban sa tatlo. Isa ako sa naiwan. Wow ha! Pumasa ba ako? Baka naduling lang ang checker. Nakakahiya. Ako ang pinakahuling inenterbyu ng manedyer. Wala pang beynte minutos ay tinawag din ako at pinapasok sa opisina ng manedyer.
Pumasok ako sa maginaw na silid ng manedyer. "Maupo ka Mr. Abines!" Mainit na sabi ng manedyer. Nakangiti siya sa akin. Pero parang bang asong mangangagat ang tingin mo sa kanya. Mahinhin akong umupo at walang kompyansa sa sarili di ko alam ang eskor sa exam. Pero sigurado akong mababa ang eskor ko sa 40.
"Congratulations, ikaw ang nakakuha ng highest score sa exam. You got 68 percent correct answer!" Masaya niyang balita sa akin. Ano daw? Congratulation? Highest score? 68 percent? Di ko naintindihan. Paano ako sasaya sa score na 68 percent?
Naka ngiti parin ang manedyer. Medyo nainis ako sa mukha niya. Naiinsulto ako sa kanyang pagbati ng "congratulations". Pero tahimik lang ako. Meron akong nabasa na libro na mas mabuting tumahimik at makinig na lang kung ang nag interview ay madaldal at gustong ipagmayabang ang kanilang sarili. Yon ang ginawa ko.
Nagpaliwanag at nag yabang nga si manedyer. Siya daw ang record holder at highest scorer sa qualifying exam ng kanilang kompanya simula ng nag-apply siya 6 years ago. "Mahirap ba ang exams?" Tanong ng niya. "Sobrang hirap po, pinakamahirap sa lahat na naranasan ko" mahinahon kong sagot. "Alam mo ba kung ano ang score ko?" Tanong ulit ni manedyer. "90 percent?" Hula kong sagot. Ngumiti ulit si manedyer. "Ang yabang naman nito" ang bulong ko sa sarili.
"Actually, I only got 62 percent of the exam." Seryosong sabi ng manedyer. Nawala ang kanyang ngiti at tumitig siya akin. "I am intruige about that grey matter between your ears that broke my record by answering it in less than an hour". Di ako nakasagot. "That exam was especially formulated for us by a company. If you did not cheat, I will find out with this interview". Natapos ang interview. Balik daw ako 'next day for personal interview with the owner'. Di na ako bumalik. Naiilang ako sa manedyer.
Part 2
Nag apply din ako sa THE San Miguel Corporation. Isang financial assistant ang kanilang hina-hire pero halos syento singkwenta kaming nag-apply sa position. "Many are called...only one will be chosen" ika nga sa ingles. Alam kong wala akong tsansang makuha ang posisyon, pero arangkada pa rin ako para maranasan at maging dalubhasa kung paano mag apply ng trabaho.
Unang araw ay isang na umabot halos tatlong oras. Pangalawang araw ay pahirap ng pahirap ang mga exams. Parang gusto ko nang sumuko. Kahaba-haba-haba-haba-haba ng mga makukulit na psychological exams at questions. Pangatlong araw ay interview ng kung sino-sino-sino-sino. Nakakapagod mag apply sa San Miguel. Hanggang tatlo na lang kami ang natira sa final panel interview.
Wow! Ang galing ko! Umabot ako sa pinakahuling yugto ng proseso. Pereho kaming CPA tatlo at pereho kaming tatlo na Law student ang pinagpipilian na aplikante. Parehong cum laude sa under grad ang dalawa kong kompetinsya galing mga ekslisibong unibersidad sa Cebu. Ako naman ay cum "lawgaw" sa University of Experience.
Mataas kompyansa ko na maipasa ko ang panel interview. Hindi ako kinabahan. Nang interview-na ako ng mga panelist ay natural lang ang mga sagot ko na para bang nakikipag kwentuhan lang sa kanila. Sinabi ko sa kanila kung gaano na kalayo ang nilakbay ko sa buhay. Pag ako ang pinili nila, para silang nakapag-hire ng boy, drayber, waiter, janitor, mekaniko, tour guide, plumber na CPA. Gagaan ang buhay nila at magiging proud sila na ako pinili nila. Ang yabang ko! Pero iyon ang totoo.
Pero hindi ko inasahan ang pinaka huli at pinaka importanteng tanong sa panel interview. "May kakilala ka ba na nagtatrabaho dito sa San Miguel Beer?" Tanong ng isang panelist. Para akong hinubaran sa harap nila. Wala akong masagot. Ang bobo ko! Nakalimutan ko ang kasabihang ""It's not what you know, it's whom you know!" Sa tatlong natira, dalawa daw ang kukunin nila na maging probationary employee para reserba ang isa. Syempre, hindi ako nasama sa dalawa. Bobo kasi ako. Di ko alam ang sagot ng pinaka importanteng tanong. Tsk, tsk. Paatras ng paatras ang pilipinas dahil ang mga bobong katulad ko ay doon lang sa abroad kinikilala ang galing kung saan di uso ang padreno. Ha hay!
Akala ko madali lang mag-apply pag CPA na ako. Mali! Parang gusto ko tuloy puntahan ang PRC at Board of Accountancy para isuli sa kanila ang lisensya kong papel na walang ka kwenta-kwenta. Dalawang buwan akong bumagtas kung saan-saan di man lang ako makapasok ng trabaho! Gumasta ang nanay ko ng singkwenta mil dahil sa akalang pag may lisensya na ay madaling makapag hanap ng trabaho. Mali, mali, mali!
Part 3
Patuloy pa rin ako sa pag apply. Merong isang Japanese forwarding firm na may branch sa Cebu ang nag hire ng Accouting Officer. Mahirap din ang exam at mahahaba. Marami din ang interview. Pero ang final interview ay ang chief accountant na galing Maynila. Magagaling din ang mga kakompetinsya kong aplikante. Pero walang padre-padreno ang nangyari dahil walang kakilala sa mga aplikante ang final decision maker. Patas ang laban. Pero sa totoo, hindi talaga patas ang laban. Lamang na lamang ako ng milya-milya sa interbyu dahil ang chief accountant ay isang 'rags to riches' material. At tsaka ang tagalog ko ay matuwid na matuwid na manilenyo ang pagkakabigkas.
Ako ang napili ng Yusen Air and Sea Services -Cebu Branch bilang bagong Accounting officer. Isa iyong Japanese company at isa sa tatlong pinakamalaking forwarder sa boong Asia. Pumasok ako sa may Mandaue na opisina ng Yusen-Cebu. Ako ang tiga kwenta ang araw-araw na gastusin ng kompanya. Oh ha! Maybtrabaho na ako! Yehey!
At eto pa, pinayagan ako ng kompanya na pumasok ng alsa syete ng umaga at lumabas ng alas kwatro dahil may klase ako bilang isang First ayear Law student. Mabait ang chief accountant namin sa maynila. Matalino at estrikta pero mabuti ang kalooban. Hanga ako kay mam Cita. Kaya minabuti ko talaga ang trabaho ko. Trabaho, trabaho, trabaho!
Tatlong buwan pa lang ako sa trabaho ng bumisita ang Presidente ng Yusen Philippines at Presidente rin siya ng Transnational Diversified Group o TDG. Siya si Atty. Arturo P. Tugade, isang mayaman at kilalang tao sa forwarding industry sa bansa. Mahigit 30 ang kompanya ng TDG, malalaking kompanya kasali na ang Yusen na subsidiary na higanteng NYK Shipping lines. Pumunta siya sa Cebu upang ayusin ang mga problema na naka demoralize sa maraming empleyado sa Cebu. Maraming problema ang Yusen Cebu.
Doon sa meeting, tahimik lahat ang mga empleyado. Tahimik din ako, dahil baguhan lang. Nag salita si Atty. Tugade at hinamon ang lahat ng empleyado na magsalita kung ano-ano ba nga dapat gawin para ,a resolba lahat ng mga problema sa Cebu Branch. Walang umimik. Lahat yata nalolon ang dila. Nakita ko ang pagka dismaya sa mukha ni Atty. Tugade. Nakita kung sinsero siya. Pero alam ko takot lang talaga magsalita nga karamihan. Mayaman si Atty. Tugade, may sarili daw siyang helicopter narinig ko. Matapang din daw siya at estrikto. Pero ewan ko ba. Iba ang nakikita ko sa kanya. Sinsero siyang tao.
Kaya tumayo ako at nag salita. Sinabi ko na tatlong buwan pa lang ako sa accounting department. Sinabi ko ang mga problema na naranasan ko sa accounting department at nag suggest ng mga sulosyon. Pinangako ko sa kanya na pag magkaroon ng mga bagong computers at printers at da-dagdagan ang revolving fund ay maraming departamento ang makikinabang dahil mas mabilis ang trabaho at weekly na lang mag replenish na fund. Nang umuwi si Atty. Tugade ng Maynila ay dumating agad ang mga computers wala pang isang linggo. Approb agad ang dagdag na revolving fund. Bumilis ang trabaho sa accounting at naluwagan ang budget sa operations.
Ang TDG ay merong quarterly magazine. Nakabasa ako ng tatlong issue ng magazine at nabuhay ang pagiging campus journalist at pagka manunulat ko dati sa koleheyo. Kaya gumawa ako ng isang artikulo kung gaano kaganda mamuhay sa Cebu bilang isang trabahante ng TDG. Sinabi ko na paraiso ang Cebu dahil sa magagandang beach, presko at murang pagkain at medyo probinsya ang paligid. Gumawa rin ako ng isang nakakaaliw na tula at ginawa kong bida ang Chairman at Presidente ng TDG. Nabasa iyon ng karamihan at ng dalawang big boss mismo. Sikat ang Yusen Cebu sa bagong magazine ng TDG!
Sobrang maganda nag pagka sulat ko sa tungkol sa Cebu at maraming Corporate manedyer ng TDG ang na intriga. Pupunta daw sila ng Cebu for trainings at yeam building! Pero mas matindi ang poem ko. Sobrang nakakatuwa at nasiyahan daw mismo ang chairman na si Mr. Delgado (JRD) at Presidente na si atty. Tugade (APT)! Sino daw ba itong si Jun Abines?
Part 4

No comments:

Post a Comment