Umalis ako sa amo kong mayaman. Ako ang star driver doon at ang gara ng menamaniho kong sasakyan. Sa Ayala Alabang village pa kami nakatira at ang sarap ng buhay ko kung tutuusin. Lahat ng reklamo ko ay pinakikinggan ng Boss. Iyon na siguro nag pinaka pangarap ng sinumang driver na maging trabaho. Malaki ang sweldo at nakasandal sa pader. Ang problema, hindi ako nakakapag day-off linggo-linggo. Hindi ako masaya pag di ako naka pag liwaliw sa mga mall o nakapanood ng sine at iba. Ewan ko ba? Pakiramdam ko hindi ako nababagay doon na parang ibong nakakulong sa gintong hawla. Hindi ako nababagay sa kulungan. Isa akong malayang nilalang. Isa akong ibon na may kakayang lumipad ng napakataas, napakabilis at nakapakaliksi. Gusto kong subuking liparin ang pinakamatayog na bundok, pinakaliblib na gubat at makakita ng mga pinakamabangis na hayop. Isa akong malayang nilalang. Isa akong Agila.
Pumasok ako bilang isang taksi drayber. Stay in ako at kakilala ko ang may-ari. Alam niyang matino akong drayber kaya psok agad ng walang pape-papeles. Rodeo Taxi ang Pangalan at XYY-699 ang plaka na isang bagong 1.2 liter na KIA LX ang unit ko. Anim na raang peso ang renta bawat sa buong 24 oras na pagmamaneho. Onse pesos lang ang litro ng gasolina noon at dose pesos at sengkwenta sentimos ang plug down tapos uno singkwenta ang bawat patak. Isa na akong taksi drayber!
Unang araw ko, lumabas ako ng alas saes ng umaga. Nakuha ko ang boundery na P600 at may gasolina na pagdating ng alas singko ng hapon. Bandang alas onse ng gabi ay kumita na ako ng apat na raan. Tulog ako hangang ala-una ng madaling araw tapos balik pasada hanggang alas-saes ng umaga. Mahigit pitong daan ang kinita ko! Libre na yon sa kain at gasolina. Aba'y ayos na ayos ito ah! Napag-isip ko. Pahinga isang araw at pasada ulit sa susunod na araw. Kung palaging ganito, ibig sabihin ay kaya kong kumita ng halos sampong libo isang buwan. SAMPUNG LIBO! Lahat ng sine ay pwede ko nang panoorin buong taon.
Minsan may isang babaeng sumakay. Maganda, mistisa, maputi at naka duster lang at walang make-up. Siya daw bahala sa akin basta magmaneho lang ako kung saan niya gusto pumunta. Nagmamadali daw kami. Takbo dito, takbo doon. Parang may hinahanap o hinahabol kung sino. Bababa lang sandali, tanong ng tanong sa kung sino-sino, takbo na naman kami. Maneho lang ako ng maneho. Halos kalahating araw din akong nagmamaneho at halos apat na raan na ang inabot ng metro ko. Nahuli din niya si mister sa bahay mismo ng kaluguyo! Nagkagulo! Sigawan dito, sigawan doon! Sampalan dito sampalan doon! Enjoy ako sa panunood. Parang sine. Oppps mukhang may nakalimutan si mam. Lumabas ako at naningil. Gusto ba naman akong sabunotan. "Bayad ho ng taksi mam!" Sigaw ko! Natauhan siya at may dinukot pera sa duster. Tatlong daan lang. Lugi ako. Di bale, nakakita naman ako ng "live show" na sabunotan. Umalis na ako habang nagkagulo pa sila.
Pag taksi drayber ka, alam mo kong saan masarap at mura ang pakain. Tingnan mo lang kung saan nakaparada ang maraming taksi sa tanghalian, di ka magkakamali. Sabi nila nakaka-aliw daw ang mga kwentong barbero. Subukan mong makinig sa kwentong Taksi Drayber at doon mo malaman kung sino ang tunay na Hari ng mga tsismis. Walang sinabi ang TV Patrol ng ABS CBN at 24 Oras ng GMA -7 kung ikumpara sa tsismis ng taksi drayber. Holdapan, patayan, nakawan, sindikato, druga, prostitusyon, sugalan, smuggling, Artista, politiko, pari, madre, dayuhan at iba pang kwento ay doon mo maririnig. Bawat isa ay may kwento. Nakikinig lang ako. Doon ko nalaman na ang isa sa may pinakamaraming prankesa ng taxi ay si Enrile at Gringo. Tai Taxi yata yon at A1 at mahigit dalawang libong Toyota Corolla na taxi! Pero di ako sigurado sa pangalan at dami. Pero sigurado akong mayaman at demonyo sina Enrile at Gringo.
Minsan may isang taga Forbes Park ang sumakay ng taxi ko. Nasira sasakyan nya at ni na nakapaghintay na sunduin ng isa pang sasakyan. Mayroon siyang kasama na dahuyan. Galing kami Roxas boulevard. Nang nasa gitna na kami ng Makati, turo siya turo sa mga malalaking building at pinagmalaki sa dayuhan kung sino ang mga may-ari noon. Highest pointer si Imelda Marcos at Enrile sa paramihan ng building sa makati. Mukhang Marcos crony din yong pasahero ko dahil alam niya kung sino-sino ang front na may ari ng mga building. Bakit kaya di alam ng boong bayan ang ganoong katotohanan? Napag-isip ko. Isa lang ang sagot doon, negosyo lang ang nasa isip ng mga TV station, Radio station at News Paper. Mahirap kalabanin si Marcos at Enrile. Kasinungalingan ang kasabihang "Ninoy, hindi ka nag-iisa". Nag-iisa lang talaga si Ninoy na matapang, karamihan duwag at makasarili. Isa na ako doon.
Part 2
Paborito kong mga pasahero ang mga dayuhan maliban sa mga intsik, singaporean at taiwanese na hirap na mag-englis ay kuripot pa! Mga Hapones naman ang pinaka galante sa tip. Parang ginto ang tingin naming mga taksi driver at ng mga G.R.O. sa mga Hapones. Ang dali nilang utuin. Pero gustong gusto ko ang mga English Speaking na mga dayuhan. Hindi sila gaanong galante pero masarap pagpraktisan ng english.
Meron akong naging suking British national. Medyo mapera. Rolex ang kanyang relo at madalas niya akong pakyawin papuntang Subic sa Olonggapo at Clark Airbase sa Pampanga. "How much do you ask one way to Clark Airbase?" Tanong ng briton. "Oh, very cheap my friend. Only 1,600 pesos for you!" Sagot ko. "How about 1,000 pesos?" Tawad niya. "No, too cheap!Make it 1,400 pesos." Depensa ko. "Ok, let's meet in the middle, twelve hundred pesos, deal?" Medyo bago sa akin yong twelve hundred pesos ah. Wala yon sa eskwelahan. "Deal!" Sabi ko sabay shake hands kaming dalawa.
Halos isang daang kilometro ang Clark. Mga dalawang oras ang biyahe. Madaldal ang Briton, pareho kami. Kaya libre ang tutorial ko sa "Oral communication with English accent" na subject! Doon ko nalaman ang galing ng British Military sa kasaysayan ng gyera. Akala ko Amerikano lang ang magagaling sa gyera. Wala pa pala sa kalingkengan ng British military ang US Military. Ayaw akong diretsahin ng briton kung ano ba talaga trabaho niya. Basta ang sabi ay alam nya mag palipad ng helicopter at eroplanong pandigma at alam niya lahat ng klase ng armas na may-roon ang England at America. "Are you some kind of a secret special force commando?" Tanong ko. "I was. But I am into higher kind of operation now." Sabi ng mayabang na briton. "Ah, I am certain you belong MI5or MI6!" Tumahimik siya. Siguro nabigla siya sa sinabi ko. Nag iba kami ng topic.
Sa totoo lang, magaling ako mag englis pag dahuyan ang kausap ko. Hindi ako nangingimi na gayahin ang slang at aksent ng mga dayuhan. Mas mahirap kausap ang pinoy sa englis dahil hindi pagkakaintindihan ang pakay kundi pagyayabang na mas magaling ang isa kay sa kausap niya.
Merong din isang sektor sa Maynila ang malakas sumakay ng taksi, ang mga sugarol. Iba't ibang sugal ang meron sa Maynila tulad ng karera ng kabayo, sabung ng manok, casino, jai-alai at iba pa. Lalo na pag araw ng sweldo, maraming pay slip ang doon na nabubuksan sa mismong sugalan. Pag nanalo sila, ang lakas mag tip. Pag natatalo naman, kaawang-awang kwento ang maririnig mo. Minsan kulang pa ang bayad sa taksi. Merong mga talunan ang takot nang umuwi sa bahay dahil naubos buong sweldo sa sugal. Ang iba naisanla ang mga alahas, gamit at sasakyan. Ang iba ay nagamit ang pera na hindi sa kanila. Maraming pera at maraming buhay ang nasira sa sugal. Ayon pa sa isa kong pasahero, parang adiksyon ang sugal, mahirap tigilan. Mas marami daw talo kaysa panalo. Huwag daw akong pumasok sa ano mang sugal habang maaga. Di lang niya alam na lumaki ako sa sabungan at mga sugalan. Pero hindi ako ang nagsusugal, kami ang nagpapasugal ng lolo ko ng 'Cara y cruz' don sa bayan namin sa Mindanao.
Pag taksi drayber ka, para ka ring ahente at kasabwat sa napakalaking industriya ng prostitusyon sa buong maynila. Ikaw ang nag tuturo sa mga pasahero kung saan makikita ang mga kalapating mabababa ang lipad. Alam mo kung saan hanapin ang mga 'pick-up girl'. Sikat sa pick up girls ang Quezon Avenue sa may Quezon City. Sikat ang Makati, Maynila at Quezon City sa mga bars. Maraming sauna bath ang nag kalat sa boong Metro Manila. Nagkalat din ang mga magagarang motels sa Pasay, Pasig at Maynila. Malaki ang kontribyusyon ng mga taksi drayber na palawakin ang prostitusyon. Mga taksi driver ang nagdadala sa mga mga kustomer doon sa mga lugar kung saan makikita ang mga prostithot. Trabaho lang, walang personalan, ika nga!
Minsan may na pick-up akong pasaherong babae sa may San Juan Edsa mga alas dos ng madaling araw. Nakita kong bumaba siya galing sa isang Van sa may gasolinahan ng pinara niya ang taksi ko. Sumakay sa may likoran at papunta daw kaming makati. Paharorot agad ako papuntang makati sa maluwang na daan Edsa. Nakikita ko sa salamin ng simisinghot-singhot siya na parang umiiyak. Alam kong pick-up girl ang itsura nya. Nang dumating kami ng makati ay pumara siya. Binigay sa akin ang sampung pisong papel saka humagolgol ng iyak. Pinag tulungan daw siyang ni reyp ng mga binata doon sa loob ng isang ekslusibong village ng San Juan at sampung Piso lang daw binigay sa kanya pagkatapos. Mga anak ng mga mayayaman at mga adik ang pumik-ap sa kanya. Wala pa raw siyang hapunan. Malaki ang patak ng taksi ko, halos isan daan. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang sampung piso. Talo pa ako sa gasolina. Pero mas malaki ang talo ng babaing iyon kay sa akin.
Part 3
Hindi kasya sa isang libro kung ikukwento ko lahat ang makulay kong karanasan bilang isang taksi drayber. Araw-araw ay di bababa sa isa't kalahating dosena ang magiging pasahero ko. May mayaman at may mahirap. Bata at matanda. Madungis at malinis. Mayabang at mapagkumbaba. Mabaho at mabango. Taga syudad at probisyano. Pinoy at dayuhan. Galante at makunat. May pera at wala. Matino at sira ulo. Pulis at holdaper. Angjel at demonyo. Lahat ng klase ng tao ay magiging kausap mo, kakwentohan at kasama sa loob ng taksi ng treyta minutos hanggang dalawang oras. Doon ko nalaman na may kakayahan pala akong kausapin lahat ng klasing tao.
Misan may naging pasahero akong puting dayuhan galing sa Makati. Papunta kaming White plains. Nag-usap kami ng matagal dahil sa trafic. Nag kwento siya ng kasaysayan ng Amerika bilang isang kontinente, hindi lang estados unidos. Para siyang titser na ipinamulat sa akin hindi lang taga estados unidos ang totoong mga amerikano dahil nasa amerika din ang Canada, Puerto Rico, Mexico, Brazil, Ecuador at marami pang bansa sa south america. Isa pala siyang Ambassador. Nasira daw sasakyan nya at nasa talyer kaya nag taksi siya. Magaling daw akong mag drive at maingat. Matuwid daw akong mag englis at madaling makaintindi di tulad ng drayber nya. Gusto ko raw bang mag appy na personal drayber nya? Sabi ko, opo! Binigyan niya ako ng calling card! Pero di rin ako nag apply dahil maraming papeles ang hiningi ng sekretarya niya. Ni high school diploma nga wala ako. Sinunog kasi ng sira ulong babae!
Pero ang di ko malilimutan ay kung paano ko dinanas ang mga panunukso ng mga pasahero ko. May mga GRO, mga babaeng adik, mga babaeng estuyante na kulang sa allowance, may mga matrona, may mga bakla at may mga silahis ang mga nag aalok ng kaswal na sex dahil natipohan ka. May libre, may nanghingi ng bayad at may nag-aalok ng bayad. Halos walang araw na walang nag-aaya ng sex. Kadalasan sa mga GRO ay masyadong agrisibo pag nakatipo ng mga taksi drayber. Libre ka live-in basta hatid at sundo mo sila sa bar. Mga babaeng adik at mga estuyante naman ay nanghihingi ng konting pera. Bihira ang mga matrona. Pero marami ang mga bakla at silahis. Basta maneho lang ako ng maneho. Ngiti lang ako ng ngiti. Maraming tip kasi pag di ka suplado. Pero pag adik na babae o estudyante na nagpapa cute ay suplado ako. Pinabababa ko agad sila oras na natunugan kong pera kapalit ng sex ang sadya nila. Marami sila sa lansangan, nag-aabang ng mga taxi drayber na bibiktimahin.
Isang lang talaga ang pinaka nakakainis na bagay sa buhay ng taksi drayber, ang traffic. Taong 1995 ng mag-umpisang mag hukay ang PLDT sa mga daan upang mag latag ng under ground fiber optic para sa mga internet. Hukay dito, hukay doon. Sinabayan pa iyon ng paggawa ng mga fly-over ng DPWH sa mga nag lalakihang intersection ng Metro Manila. Detour dito, detoir doon. Ang resulta ay katakot-takot na traffic! Minsan may araw na halos tatlong oras na di maka usad ang taksi ko ng isangdaang metro. Lugi ako sa gasolina at boundary.
Dahil na rin sa dumi ng hangin sa maynila ay nag umpisa akong maging hikain. Inuubo ako buwan-buwan. Kahit anong gamot inumin ko ay hindi nakikinig ang ubo ko. Pag nasa Maynila ka at palaging nasa daan, itim nag kulay ng kulangot mo. Sa probinsiya ay dilaw o kaya puti ang kulay ng kulangot nila. Maruming -marumi ang hangin sa Maynila. Biruin mo, milyon-milyong sasakyan ang nag susunog ng gasolina at diesel sa mga lansangan ng Maynila 24 oras. Hindi kulay asul ang langit ng maynila kundi kulay grey at brown. Iyon ang kulay ng bilyon-bilyong litro ng langis na sinusunog ng milyon-milyong sasakyan araw araw. Ilang porsyento ng usok ay nasa baga ng mahigit sampung milyong tao sa maynila. Isa na ako doon sa dahan-dahang pinapatay ng lason na usok na usok ng sasakya na kung tawagin sa englis ay 'carbon monoxide.'
Misan isang gabi, pinara ako ng dalawang lasing sa may karerahan sa may Sta. Ana. Hindi ko muna pinasakay. Tinanong mo kung saan sila pupunta. Hindi raw sila sasakay, isakay ko raw yong isang kapwa ko taksi dryaber na na naholdap. Putlang putla pa ng sumakay ang taxi drayber sa likod ko. Nakisuhong ihatid sa opisina nila. Nan laban daw siya sa holdaper at muntik na siyang barilin. Pero umiyak daw siya at nagmamakaawa na buntis asawa nya at may taglong anak na malilit. Buti di siya tinuluyan pero binigbug siya ng husto. Saka itinali ng alambre ang leeg, kamay at paa sa may likod ng taksi at iniwan sa may madilim na lugar ng Sta. Ana. Buti nalang may lasing na umihi sa dilim at narinig ang ungol nya dahil may panyong inilagay sa bibig nya. Bogbog sarado mukha nya at sugatan ang leeg, kamay at paa sa mahigpit na tali ng alambre. Inihatid ko siya sa kanilang opisina sa may Paco.
Kinabukasan ay nag-isip ako. Paano kung ako ang matyimpohan ng mga holdaper? Hindi ako nag maneho ng mga ilang araw. Natakot ako. Walang buwan na walang napatay na taksi drayber sa holdap. Naisipan kong magbakasyon sa Cebu. Gusto kung magpalamig. Hindi mawala sa isipan ko ang itsura ng taksi drayber na nakita ko. Nginig at putla sa takot ang mukha nya. May naipon rin akong kunti. Nag paalam ako sa boss ko na magbakasyon muna sa Cebu.
Nagmaneho muna ako ng isang linggo para dagdag baon sa Cebu. Nandoon nanay ko at kapatid ko. Marami Meron daw silang maliit na sari-sari store sa may Sambag Uno. Bumili na rin ako ng ticket ng barko. Isang araw bago ang alis ko ay pinilit akong patayain ng Jai-alai ng suki kong karenderya. Mga bisaya din sila tulad ko. Malakas akong pumusta sa kanila ng Jai-alai dahil nangarap din akong magka pera ng malaki. Pero hindi ako nanalo kahit isang bises. Tumangi ako. Ayaw kong mabawasan ng kabit isan daan baon kong pera papuntang Cebu. "Bisan dyes pesos lang bai! Modaug diay ka! Sayang ang kwartro mil." Pilit ng suki ko. Kaya pumusta rin ako ng sampung sa paborito kung number na 572. Napanaginipan ko yon mga ilang buwan na rin. Pero malaki na talo ko sa numerong yon. Kaya respeto na lang.
Araw ng alis ko. Handa na lahat gamit ko. Tanghali na akong gumising dahil gabi pa alis ng barko puntang cebu. Pumunta ako sa labas upang mananghalian sa paborito kong Jollibee sa my Vito Cruz. Dumaan ako sa may nag titinda ng dyaryo at nakita ko : 572 Resulta ng Jai-alai! Panalo ako ang kwatro mil! May dagdag baon pa ako papuntang Cebu! Yehey!
Good bye Manila!
- END OF CHAPTER 10